Summer jobs handog ng MMDA para sa mga estudyante

By Rhommel Balasbas March 11, 2019 - 02:54 AM

Mayroong handog na summer jobs ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa mga estudyante.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (SPES), ang mga estudyante ay kikita ng P537 per day, ang minimum na arawang sahod sa Metro Manila.

Mayroon anyang available na 250 administrative at clerical works para sa mga high school at college students edad 17 hanggang 25.

Tatagal ang summer jobs sa loob ng isang buwan.

Ayon kay Pialago, ang 60 percent ng sahod ng mga estudyante ay magmumula sa MMDA habang ang natitirang 40 percent ay sasagutin ng Department of Labor and Employment na nagsulong sa SPES.

Ang mga interesadong estudyante ay dapat kumuha ng application forms sa main office ng MMDA sa Makati.

Ang requirements ay school registration form, report cards at photocopy ng birth certificate.

TAGS: Metropolitan Manila Development Authority, MMDA Spokesperson Celine Pialago, Special Program for the Employment of Students (SPES), Summer Jobs, Metropolitan Manila Development Authority, MMDA Spokesperson Celine Pialago, Special Program for the Employment of Students (SPES), Summer Jobs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.