DFA, inaalam pa kung may nakasakay na Pinoy sa bumagsak na Ethiopia plane

By Angellic Jordan March 10, 2019 - 08:14 PM

Inaalam ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung mayroong Filipinong nakasakay sa bumagsak na Ethiopian Airlines plane.

Lulan ng Boeing 737 Flight ET302 ang 149 na pasahero at walong crew member na patungo sanang Kenya.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kagawaran na ipinag-utos na sa Embahada ng Pilipinas sa Cairo at Nairobi ang pakikipag-ugnayan sa mga otoridad sa Addis Ababa at Nairobi.

Ito ay para madetermina kung mayroong Pinoy sa 33 foreign nationals na nasawi sa plane crash.

Samantala, nagparating naman ng pakikidalamhati ang DFA sa kamag-anak at kaibigan ng mga biktima.

TAGS: DFA, Ethiopian Airlines, DFA, Ethiopian Airlines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.