Gabriela, kinuwestyon ang payo ni Duterte na lumayo ang mga babae sa mga pari
Kinuwestyon ng Gabriela Women’s Party si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit dapat sundin ng mga kababaihan ang kaniyang payo.
Sa talumpati sa Sagay, Negros occidental sinabihan ng Punong Ehekutibo ang mga kababaihan na umiwas na makasama ang mga pari.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng partylist group na si Duterte ang huling taong makapagbibigay ng disenteng payo kung paano lalaban ang mga kababaihan sa pang-aabuso.
Dagdag pa ng grupo, ang pahayag ng pangulo ay magdudulot ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Simbahang Katolika at mga kababaihan.
Iginiit pa ng grupo na hindi sila titigil sa paglaban sa mga taong maysala pagdating sa karapatan ng mga kababaihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.