2 puganteng Koryano, ipapa-deport ng BI

By Angellic Jordan March 10, 2019 - 06:07 PM

Nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang puganteng Koryano makaraang maaresto sa Maynila at Mandaluyong.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, hindi santuwaryo ang Pilipinas para sa mga kriminal na dayuhan.

Nakakulong aniya sina Oh Gwangrok, 48-anyos, at Park Seungjae, 44-anyos, sa detention facility ng ahensya sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Unang nahuli ng fugitive search unit ng BI si Oh sa Remedios Circle sa Malate, Maynila sa bisa ng warrant of deportation dahil mula pa noong November 2018, overstaying at paso na ang pasaporte nito.

Ayon sa Korean embassy, tinutugis ng mga otoridad si Oh dahil sa kasong fraud.

Samantala, nahuli naman si Park sa loob ng kaniyang unit sa Tivoli Garden Residences sa Mandaluyong.

Ayon sa BI, paso na rin ang pasaporte ni Park na wanted sa kasong smuggling.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.