Epekto ng El Niño sa bansa, kontrolado pa rin – NDRRMC
Kontrolado pa rin ang epekto ng El Niño sa bansa, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa isang panayam, tiniyak ni NDRRMC spokesperson Edgar Posadas na naaagapan pa ang sitwasyon ngunit hindi pa rin aniya sila nagpapakampante.
Marami aniyang local government unit ang nagpasa ng kopya ng kanilang resolusyon para aksyunan ang problemang dulot ng El Niño sa kanilang lugar.
Karamihan sa mga ito ay mula sa Mindanao at Mimaropa region.
Nagpaalala naman si Posadas sa mga LGU na maaari silang humiling ng fund assistance mula sa NDRRMC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.