FEU, nananatiling undefeated sa UAAP Season 81 men’s volleyball tournament

Nananatiling undefeated ang Far Eastern University (FEU) makaraang matalo ang Adamson Univerity para sa UAAP Season 81 men’s volleyball tournament, Linggo ng hapon.

Nagwagi ang Tamaraws sa tatlong sunod na set na iskor na 25-14, 25-23 at 25-23.

Malaki ang naiambag na tig-12 points nina Richard Solis at Jude Garcia para makaabante ang Tamaraws.

Nananatili ring malakas ang blocking strategy ng FEU para maipanalo ang laban.

Dahil dito, mayroon nang 6-0 win-loss record ang FEU habang bumaba naman sa ikatlong pwesto ang Soaring Falcons sa kanilang 3-2 win-loss record.

Read more...