P3 million halaga ng shabu, nasamsam sa isang lola sa Makati

Aabot sa tatlong milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang babaeng drug suspect, sa isinagawang buy-bust operation sa Makati City.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, ang naarestong suspek ay kinilalang si Susan Mata, 60-anyos na senior citizen.

Naganap ang buy-bust operation dakong alas-nuebe y medya ng umaga ng Linggo (March 10), sa P. Urdaneta Road, Barangay Guadalupe Nuevo, sa Makati City.

Sinabi ng PDEA na nasa 500 gramo ng shabu ang nasabat mula kay Mata.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...