Batay sa mga paunang ulat, ini-report ng piloto na mayroong technical problem ang Douglas DC-3 aircraft, na isang twin-engine propeller plane.
Bumagsak sa Villavicencio town ang eroplano, na nanggaling sa Taraira.
Ang wreckage ay nadiskubre makalipas ang isang oras matapos na mawalan ng contact ang traffic control.
Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ng Aviation authorities ang sanhi ng aksidente.
Sinabi ng Aeronautica Civil aviation na walang survivors. Pero hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na listahan o pangalan ng mga nasawi.
READ NEXT
Isang vendor, inaresto dahil sa umano’y pangha-harass sa anak at manugang ni SC Chief Justice Bersamin
MOST READ
LATEST STORIES