Patay ang labing dalawang katao matapos bumagsak ang kanilang sinakyang eroplano sa Colombia.
Batay sa mga paunang ulat, ini-report ng piloto na mayroong technical problem ang Douglas DC-3 aircraft, na isang twin-engine propeller plane.
Bumagsak sa Villavicencio town ang eroplano, na nanggaling sa Taraira.
Ang wreckage ay nadiskubre makalipas ang isang oras matapos na mawalan ng contact ang traffic control.
Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ng Aviation authorities ang sanhi ng aksidente.
Sinabi ng Aeronautica Civil aviation na walang survivors. Pero hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na listahan o pangalan ng mga nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.