Isang vendor, inaresto dahil sa umano’y pangha-harass sa anak at manugang ni SC Chief Justice Bersamin

By Isa Avendaño-Umali March 10, 2019 - 08:33 AM

Arestado ang isang tindero ng fishball makaraang akusahan ng pagha-harass sa anak at manugang ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin.

Batay sa Makati City Police, ang suspek ay kinilalang si Conrado Bingco, 38-anyos.

Sinabi ng mga otoridad na nangyari ang insidente alas-kwatro ng hapon kahapon (March 9), sa Malugay Street, Barangay Bel-Air, Makati City.

Sa imbestigasyon, ire-rescue ni Lucas Bersamin Jr., 37-anyos at isang surgeon, ang kanyang misis na si Bianca Bersamin na pinagsisigawan umano ng suspek.

Nagtalo sina Dr. Bersamin at Bingco, hanggang sa nagtangka umano ang vendor na bumunot ng hindi binanggit na bagay mula sa kanyang baywang.

Dahil dito ay humingi ng tulong si Dr. Bersamin sa mga pulis at Bantay Bayan.

Nakadetine na si Bingco sa Makati City Police Station Detention Facility Unit, at kinasuhan ng Unjust Vexation and Threat.

 

 

TAGS: Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin, Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.