Sangalang at Lee, nanguna sa paglampaso ng Magnolia kontra Alaska

By Len Montaño March 10, 2019 - 03:10 AM

PBA website photo

Pinangunahan nina Ian Sangalang at Paul Lee ang paglampaso ng Magnolia Hotshots laban sa Alaska Aces sa 2019 PBA Philippine Cup Sabado ng gabi sa score na 103-86.

Gumawa si Sangalang ng 24 poits, 14 rebounds at 6 na assists habang nagdagdag si Lee ng 20 points at 8 rebounds.

Dahil sa panalo ay gumanda ang record ng Magnolia sa kartadang 2-4 at napanatili ang tsansa na makaabante sa playoffs.

Dikit ang score ng dalawang koponan sa unang bahagi ng laro pero umalagwa ang Hotshots at tinambakan ang Aces.

Nagawa pang matapyasan ng Alaska ang lamang pero hindi nagpadaig ang Magnolia at tuluyang tinalo ang kalaban.

Si Chris Banchero ang nanguna sa scoring ng Alaska sa ginawa nitong 26 points.

TAGS: 2019 PBA Philippine Cup, Aces, Alaska, Chris Banchero, Hotshots, Ian Sangalang, Magnolia, Paul Lee, playoffs, 2019 PBA Philippine Cup, Aces, Alaska, Chris Banchero, Hotshots, Ian Sangalang, Magnolia, Paul Lee, playoffs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.