1 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Rodriguez, Rizal

By Len Montaño March 10, 2019 - 01:56 AM

Contributed photo

Isa ang patay samantalang isa naman ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa Rodriguez, Rizal Sabado ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Joshua Navia, 14 anyos, isang construction worker.

Ang sugatan naman ay si Lloyd Santiago, 24 anyos, isa ring construction worker.

Naganap ang insidente alas 4:30 ng hapon ng Sabado Marso 9 sa Mount Isarog St. Amityville Subdivision, Brgy. San Jose.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang mga biktima ay nagtatrabaho sa nasabing lugar nang lapitan sila ng hindi pa nakikilalang suspek.

Bigla na lang bumunot ng hindi pa nalalamang kalibre ng baril ang suspek at ipinutok ito sa dalawa na nagresulta sa agarang pagkamatay ni Navia.

Agad namang tumakas ang suspek patungong T. Reyes St. dala ang baril na ginamit.

Patuloy na iniimbestigahan ang motibo at pagka-kilanlan ng salarin sa krimen.

TAGS: construction worker, Pamamaril, patay, Rizal, Rodriguez, sugatan, construction worker, Pamamaril, patay, Rizal, Rodriguez, sugatan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.