Komedyanteng si Chokoleit, pumanaw na

By Len Montaño March 10, 2019 - 12:26 AM

(UPDATE) Pumanaw na ang komedyanteng si Chokoleit matapos ang performance sa isang out of town show sa Abra kasama ng ibang entertainers Sabado ng gabi.

Kinumpirma ng Star Magic, ang training at management subsidiary ng ABS-CBN ang pagpanaw ni Chokoleit na si Jonathan Aguilar Garcia sa tunay na buhay.

 Sinasabing nakaranas ng hirap sa paghinga si Chololeit matapos ang kanyang performance.

Samantala, sa Facebook post ng aktor at singer na si Carl Guevarra na kasama sa show, sinabi nito na hindi siya makapaniwala na namatay na si Chokoleit. 

Nagperform anya ang komedyante pagkatapos nila at nakita nila kung paano ito tila hirap at naghahabol ng hininga sa kabuuan ng kanyang palabas.

Nadala pa umano si Chokoleit sa ospital sa Vigan pero nalaman nilang yumao na ito.

Pinost din ni Guevarra ag video ng performance ni Chokoleit.

Nakilala si Chokoleit sa mga pelikula at shows ng ABS-CBN lalo na sa fantaserye na “Marina” noong 2004.

TAGS: Abra, Carl Guevarra, Chokoleit, hirap sa paghinga, performance, pumanaw na, Star Magic, Abra, Carl Guevarra, Chokoleit, hirap sa paghinga, performance, pumanaw na, Star Magic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.