Bodega ng junkshop sa Davao City, nasunog

By Len Montaño March 09, 2019 - 11:12 PM

Credit: Evelyn Paculanang Buedron

Nasunog ang bodega ng isang junkshop sa Landmark 2, Kilometro 11 sa Davao City Sabado ng umaga.

Alas 2:00 ng umaga nang mapansin ng mga residente ang usok mula sa bodega ng DTC Junkshop na pag-aari ng isang Danny Chua.

Dahil walang gwardya at trabahador, alas 6:00 ng umaga pa nalaman na may sunog sa loob ng junkshop.

Ayon kay Fire Insp. Willy Melodi, hepe ng Panacan Fire Station, nagmula ang sunog sa gitnang bahagi ng bodega.

Posible umanong nag-overheat ang crushing machine na mayroon palang pinoprosesong mga scrap metal.

Nahirapan sa pagpatay ng apoy ang mga bumbero dahil mayroong mga lata ng pintura, canister ng butane gas at sako na pinaglagyan ng scrap metal sa loob ng bodega.

TAGS: bodega, butane gas, canister, crushing machine, DTC Junkshop, junkshop, nag over-heat, Panacan Fire Station, pintura, scrap metal, sunog, bodega, butane gas, canister, crushing machine, DTC Junkshop, junkshop, nag over-heat, Panacan Fire Station, pintura, scrap metal, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.