WATCH: Mekaniko patay sa pamamaril sa Mandaue, Cebu

By Len Montaño March 09, 2019 - 10:16 PM

Screengrab of Cebu Daily News video

Patay ang isang mekaniko matapos itong pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa Barangay Mantuyong sa Mandaue City, Cebu Sabado ng hapon.

Kinilala ang nasawing mekanino na si Michael Remolta, 32 anyos.

Batay sa imbestigasyon, nagkukumpuni ng motorsiklo so Remolta nang biglang dumating ang suspek sakay ng motorsiklo.

Sa puntong ito ay biglang pinagbabaril ng suspek ang biktima.

Sinabi ng live-in partner ni Remolto na wala itong alam o kilala na pumatay sa lalaki.

Wala umanong kaaway ang kanyang kinakasama.

Narekober sa crime scene ang basyo ng bala ng kalibre .45.

Titingnan ng puliys ang CCTV camera sa kalapit na lugar para matukoy ang detalye ng pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen.

TAGS: cctv, cebu, live in partner, Mandaue, mekaniko, nagkukumpuni, patay sa pamamaril, cctv, cebu, live in partner, Mandaue, mekaniko, nagkukumpuni, patay sa pamamaril

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.