Mga kababaihan pinag-iingat ni Duterte sa mga pari
Muli na namang binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pari at mga obispo.
Sa kanyang talumpati sa Sagay, Negros Occidental, pinayuhan ng pangulo ang mga kababaihan na umiwas na makasama ang mga pari.
Kapag natiyempuhan umanong solo ang isang babae sa loob ng simbahan ay malamang na pormahan o ligawan ito ng isang pari.
Ikinatwiran ng pangulo na maraming mga lider ng simbahan ang ipokrito pagdating sa isyu ng sekswalidad.
Kahit anong sabihin ay lalaki ang mga pari at tulad ng pangkariwang mga tao ay natutukso rin ayon sa pangulo.
Iyun daw ang dahilan kung kaya maraming mga pari o obispo ang hindi makapag-pigil sa kanilang mga sarili.
Binanggit rin ni Duterte na ang konsepto ng “original sin” ay dala na ng bawat taong isinilang sa mundo.
Huwag rin daw masyadong maniwala sa konsepto ng langit at impyerno dahil bahagi lang umano ito ng pananakot ng mga naunang tao sa mundo.
Sinabi pa ni Duterte na talamak ang isyu ng kalokohan sa loob ng simbahan at nangyayari yan hindi lamang sa Pilipinas tulad ng laman ng mga balita sa kasalukuyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.