Nauna dito ay sinabi ng alkalde na siya ring campaign manager ng Hugpong ng Pagbabago na hindi dapat magsalita ng tungkol sa “honesty at integrity” si Robredo dahil kwestyunable rin ang pagkapanalo nito noong 2016.
Sinabi rin ni Duterte-Carpio na dapat isyu pa rin hanggang ngayon ang sinasabing relasyon ni Robredo sa isang kongresista na may pamilya.
Bilang tugon, sinabi ni Barry Gutierrez, isa sa mga tagapagsalita ni Robredo na malinaw na hindi interesado sa honesty at integrity isyu ng kampo ng administrasyon.
Sadya umanong inililigaw ng alkalde ang isyu para pagtakpan ang kahinaan ng mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago.
Ito ay makaraang umayaw sa debate ang grupo na naunang hinamon ng mga kandidato ng ng Otso Diretso.
Ikinatwiran pa ni Gutierrez na luma na ang mga isyung ibinabato kay Robrero.
Pinayuhan rin niya ang alkalde na masyado pang maaga para sa pangangampanya sa susunod na presidential elections sa 2022.