Grupo ni Robredo bumuwelta kay Sara Duterte

By Den Macaranas March 09, 2019 - 04:40 PM

Rumesbak ang grupo ni Vice President Leni Robredo sa naging pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio laban sa pangalawang pangulo.

Nauna dito ay sinabi ng alkalde na siya ring campaign manager ng Hugpong ng Pagbabago na hindi dapat magsalita ng tungkol sa “honesty at integrity” si Robredo dahil kwestyunable rin ang pagkapanalo nito noong 2016.

Sinabi rin ni Duterte-Carpio na dapat isyu pa rin hanggang ngayon ang sinasabing relasyon ni Robredo sa isang kongresista na may pamilya.

Bilang tugon, sinabi ni Barry Gutierrez, isa sa mga tagapagsalita ni Robredo na malinaw na hindi interesado sa honesty at integrity isyu ng kampo ng administrasyon.

Sadya umanong inililigaw ng alkalde ang isyu para pagtakpan ang kahinaan ng mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago.

Ito ay makaraang umayaw sa debate ang grupo na naunang hinamon ng mga kandidato ng ng Otso Diretso.

Ikinatwiran pa ni Gutierrez na luma na ang mga isyung ibinabato kay Robrero.

Pinayuhan rin niya ang alkalde na masyado pang maaga para sa pangangampanya sa susunod na presidential elections sa 2022.

TAGS: election, hugpong ng pagbabago, integrity, leni robredo, Sara Duterte, election, hugpong ng pagbabago, integrity, leni robredo, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.