Bersamin: SC nayanig ng husto sa pagpapatalsik kay Sereno

By Den Macaranas March 09, 2019 - 03:17 PM

Inquirer file photo

Aminado si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin na isang pagsubok sa katatagan ng hudikatura sa bansa ang naging pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa kanyang 100th day bilang pinuno ng Mataas na Hukuman, sinabi ni Bersamin na isang matinding pagsubok ang pinagdaanan nila sa pagbusisi sa Sereno ouster.

Sa testimonial dinner na ipinagkaloob ng Integrated Bar of the Philippines kay Bersamin, sinabi ng Punong Mahistrado na marami siyang balak na reporma sa Supreme Court.

Naniniwala rin si Bersamin na dapat maging malinaw ang batas sa pagpili ng pangulo sa Chief Justice dahil sa Saligang Batas ay malinaw anyang mga mahistrado lang ang pipiliin ng pangulo.

Pero naging kaugalian na rin na ang pangulo ang siyang may pinal na desisyon kung sino ang gagawing chief justice.

Ipinaliwanag rin ni Bersamin na dahil sa bigat ng tungkulin ay tama lang na gawing hanggang limang taon lang ang term-limit ng isang chief justice.

Si Bersamin ay mamumuno sa Supreme Court hanggang sa buwan ng Oktubre kung kailan nila maaabot ang mandatory age of retirement na 70.

Nagpasalamat rin si Bersamin sa patuloy na suporta ng kanyang mga kasamahan sa Supreme Court.

Kung may mga kriminal sa labas ng hukuman, sinabi ni Bersamin na gusto rin niyang simulan ang isang matinding kampanya laban sa mga scalawags sa loob ng hukuman.

TAGS: 100th day, IBP, Lucas Bersamin, Sereno, Supreme Court, 100th day, IBP, Lucas Bersamin, Sereno, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.