Makaraan sibakin sa pwesto ay may posibilidad pa na kasuhan ng pamahalaan si dating Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kapag may nakitang ebidensya ay hindi pwedeng hindi makasuhan ang dating opisyal.
Nauna nang sinabi ni Sen. Ping Lacson na malala ang katiwalian sa PCSO partikular na sa operasyon ng Small Town Lottery (STL).
Sa mga nagdaang pagdinig sa Senado ay nakitang nalugi ang pamahalaan sa STL makaraang kuning partner ng PCSO ang sinasabing mga dating gambling lords.
Pati si Lacson ay nagtataka kung bakit sumabit sa katiwalian ang dating heneral.
Sinabi naman ni Panelo na mismong ang pangulo ang nagsabi na hindi palulusutin ang anumang uri ng katiwalian sa kanyang administrasyon.
Sa kanyang paunang pahayag, sinabi ni Balutan na nag-resign sya at hindi sinibak sa pwesto.