Piloto ng “Airwolf” namatay na

File photo

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng US actor na si Jan-Michael Vincent.

Sa ulat na nakuha ng TMZ, si Vincent ay namatay noong February 10 pero hindi malinaw ang detalye ng kanyang pagpanaw.

Bukod sa US TV series na “Airwolf” na nagpasikat kay Vincent, lumabas rin si Vincente sa pelikulang The Mechanic na pinagbinahan ni Charles Bronson at sa pelikulang Hooper kasama si Burt Reynolds.

Siya rin ay naging nominated sa Golden Globe para sa 1971 film na Going Home at noong1984 para sa miniseries na The Winds of War.

Ang 74-anyos na si Vincent ay namatay sa isang pagamutan sa North Carolina kasama ang kanyang ikatlong asawa na si Patricia Ann Christ.

Si Vincent ay nagmarka sa kanyang role bilang helicopter pilot na si Stringfellow Hawke sa CBS action series na Airwolf in 1984 kung saan ay nakasama niya ang beteranong aktor na si Ernest Borgnine.

Lumabas rin ang ulat na $200,000 ang kanyang kita sa bawat episode ng nasabing sikat na TV series.

Taong 2012 ay pinutol ang kanang paa ni Vincent dahil sa impeksyon.

Read more...