Fajardo pinangunahan ang San Miguel sa pagpapataob sa NLEX

By Rhommel Balasbas March 09, 2019 - 03:34 AM

Nagpasiklab si June Mar Fajardo sa laban ng San Miguel kontra NLEX sa PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Wagi ang San Miguel sa iskor na 121-111 kung saan nag-ambag si Fajardo ng 27 points at 13 rebounds.

Binuksan ng Beermen ang laban pabor sa kanilang koponan sa iskor na 28-4 at umabot pa sa 31 ang kanilang lamang.

Dahil naman sa pangunguna ni JR Quinahan ay naibaba ang lamang sa 17 puntos sa third quarter.

Gayunman, hindi sapat ang pagsusumikap ng Road Warriors dahil sa gigil ng Beermen na masungkit ang kanilang ikalimang panalo sa walong laban para umabante sa ikatlong pwesto.

Masaya si Beermen coach Leo Austria sa kanilang panalo ngunit nananatili anya ang kanilang goal na makapasok sa top 2.

Nakatulong anya ang 26 na araw nilang pahinga matapos ang naranasang injuries at sakit ng mga manlalaro.

Haharap ang reigining PBA champs sa NorthPort araw ng Linggo.

Samantala, dumausdos naman ang NLEX sa win-loss record na 2-5 at nakatakdang humarap sa Alaska sa March 13, araw ng Miyerkules.

TAGS: Beermen, coach Leo Austria, JR Quiñahan, June Mar Fajardo, NLEX, PBA Philippine Cup, Road Warriors, San Migue, Beermen, coach Leo Austria, JR Quiñahan, June Mar Fajardo, NLEX, PBA Philippine Cup, Road Warriors, San Migue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.