Marian malapit nang manganak ayon kay Dingdong

By Rhommel Balasbas March 09, 2019 - 03:22 AM

Marian Rivera IG photo

Wala nang halos isang buwan ang hihintayin bago manganak si Marian Rivera ayon mismo kay Dingdong Dantes.

Sa isang panayam, bagaman hindi sinabi ang eksaktong petsa ay kinumpirma ni Dantes na malapit nang manganak ang kanyang asawa.

Magsisilang ng batang lalaki si Rivera na kanila nang ikalawang anak matapos ang panganay na si Zia.

Giit ni Dantes, dahil malapit nang manganak ang asawa ay hindi na siya pwedeng lumayo-layo ng Metro Manila.

Sa ngayon anya ay gabi-gabi silang nagnonobena at nagrorosaryo ng kanyang asawa para sa ligtas na delivery ng kanilang baby boy.

Curious anya si Zia tungkol sa kanilang ginagawa pero ipinapaliwanag naman anila itong mabuti.

Wala pang napipiling pangalan ang mag-asawa para sa kanilang ikalawang anak.

TAGS: baby boy, delivery, Dingdong Dantes, ligtas, manganak, Marian Rivera, novena, rosaryo, Zia, baby boy, delivery, Dingdong Dantes, ligtas, manganak, Marian Rivera, novena, rosaryo, Zia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.