Batay sa datos mula January 2016 hanggang February 28, 2019, lumalabas na 322 ay nasibak matapos magpositibo sa iligal na droga habang 119 ay sangkot sa iba’t ibang kaso tulad ng pagiging protektor ng drug personalities, nahulihan o kaya ay nagbenta ng iligal na droga at pangingikil mula sa mga naarestong suspek.
Sa isang pahayag sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na hindi siya mag-aatubiling tanggalin sa serbisyo ang mga pulis na masasangkot sa iligal na gawain lalo na sa iligal na droga.
Giit ni Albayalde, mas pagtitibayin ang kampanya laban sa police scalawags.
Ang 441 narco cops ay kabilang sa 8,440 pulis na napatawan ng disciplinary actions.
Nito lamang Miyerkules ay dalawang pulis mula sa Pasay City at Eastern Police District ang inaresto dahil sa pangingikil sa mga pamilya ng mga drug suspects na kanilang nahuli.
Isa namang pulis-Maynila ang natimbog sa buy bust operation at naaktuhang gumagamit ng shabu hatinggabi ng Biyernes.