Duterte nanindigan sa kakayahan ni Imee Marcos sa kabila ng isyu sa educational background
Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kakayahang mamuno ni Imee Marcos sa kabila ng mga kinahaharap nitong kontrobersiya tungkol sa kanyang mga natapos na kurso sa kolehiyo.
Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Negros Occidental, sinabi ng pangulo na magaling si Marcos sa local governance.
Giit pa ng pangulo, hindi maaaring ipasa ang mga kasalanan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang anak.
“Ayan si Imee led a very colorful life. Ang master, local government. Bright eh. Mga charges, of course, the sins of the father cannot visit the daughter,” ani Duterte.
Naniniwala ang presidente na ‘asset’ sa Senado ang dating gobernador ng Ilocos Norte.
Matatandaang pinabulaanan ng University of the Philippines at Princeton University ang claims ni Marcos na siya ay nagtapos sa naturang mga unibersidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.