SWS: Mga magsasaka at mangingisda, pinaka-apektado ng inflation

By Len Montaño March 09, 2019 - 12:50 AM

Inilabas ang resulta ng pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS) ukol sa epekto ng mataas na inflation sa mga mahihirap sa bansa.

Ayon sa SWS study, ang mga magsasaka at mangingisda ang pinaka-apektado ng mataas na inflation.

Sa Kapihan sa SWS forum, inilahad ni University of the Philippines (UP) School of Statistics dean and professor Dr. Dennis Mapa ang analysis sa datos ukol sa kaugnayan sa pagitan ng “job inflation, job misery and hunger incidence.”

Lumabas sa pag-aaral na ang mataas na inflation na naranasan ng mahihirap na mga pamilyang Pilipino ay banta sa anumang hakbang na mabawasan ang kahirapan sa bansa.

Sa pamamagitan ng paggamit ng data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa nakalipas na 10 taon, lumabas sa pag-aaral na nabawasan lamang ang kahirapan kapag tumaas ang sweldo ng mahihirap na Pinoy kasabay ang mababang inflation.

Iginiit ni Mapa kung ano ang nangyayari sa mga mahihirap na mangingisda at magsasaka kapag tumaas ang presyo ng mga pagkain.

Ipinarating ng grupo ni Mapa ang impormasyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa layong gawing prayoridad ang mga magsasaka at mangingisda.

TAGS: dswd, hunger incidence, Inflation, job inflation, job misery, magsasaka, Mangingisda, Philippine Statistics Authority, pinaka-apektado, presyo ng pagkain, sweldo, SWS, dswd, hunger incidence, Inflation, job inflation, job misery, magsasaka, Mangingisda, Philippine Statistics Authority, pinaka-apektado, presyo ng pagkain, sweldo, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.