Naging mahirap para sa University of Sto. Tomas na habulin ang mabilis na laro ng Far Eastern University pero nagbunga ang kanilang pagsisikap makaraang makuha ang Game 2 ng UAAP 78th Finals sa iskor na 62-56 sa Smart Araneta Coliseum.
Sa simula pa lamang ng laban ay naging agresibo na agad ang FEU Tamaraws habang hawak nila ang momentum makaraan ang matagumpay na game 1 winning.
Sa 3rd quarter ng laban nagsimulang kumamada ang Growling Tigers sa pangunguna ni Kevin Ferrer na gumawa ng 24-points sa nasabing laban.
Sa nasabing querter din sila nagsimulang lumamang sa FEU Tamaraw na nagsumikap ding humabol sa pamamagitan ng kanilang mga 3-pointers.
Sa fourth quarter ay mas lalo naging kapana-panabik ang laban na sinaksihan ng mga fans mula sa magkabilang kampo na pumuno sa seating capacity ng coliseum.
Sa Miyerkules ang Game 3 do-or-die para sa FEU at UST kung saan ngayon pa lang ay inaasahan nang magiging pukpukan ang laban.