M6.2 na lindol yumanig sa Surigao del Norte

By Rhommel Balasbas March 08, 2019 - 11:50 PM

(UPDATE) Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Surigao del Norte alas-11:16 ngayong gabi.

Sa impormasyon mula sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 38 kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Burgos.

Labing-anim na kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.

Unang sinabi ng Phivolcs na magnitude 6.4 ang lakas ng lindol ngunit ibinaba ito sa magnitude 6.2.

Naramdaman ang Intensity V sa Burgos, Surigao del Norte; Surigao City at Dinagat Island.

Intensity IV sa Butuan City; Abuyog, Leyte, Hinunangan, San Francisco, San Rocardo, Tacloban City sa Southern Leyte.

Habang Intensity II ang naramdaman sa Camiguin Island.

Instrumental Intensity III naman ang naitala sa Palo, Leyte; Borongan City; Cebu City at Gingoog City.

Instrumental Intensity II sa Argao City at Instrumental Intensity I sa Alabel, Sarangani; Cagayan De Oro City; Cebu City; San Francisco, Cebu at Ormoc City.

Sinabi ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala sa mga ari-arian ngunit makararanas pa ng aftershocks dulot ng pagyanig.

TAGS: aftershocks, ari-arian, Burgos, episentro, Instrumental Intensity, intensity, lindol, magnitude 6.2, pagyanig, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, pinsala, surigao del norte, tectonic, aftershocks, ari-arian, Burgos, episentro, Instrumental Intensity, intensity, lindol, magnitude 6.2, pagyanig, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, pinsala, surigao del norte, tectonic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.