Duterte tutol na ngayon na gawing legal ang medical marijuana

By Len Montaño March 08, 2019 - 11:55 PM

Taliwas sa una nitong pagpabor, tutol na ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa legalisasyon ng paggamit ng marijuana para sa medical use.

Sa kayang talumpati sa kampanya ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Negros Occidental, sinabi ng Pangulo na gagamitin lamang ng mga drug users ang medical marijuana para palaguin ang pagtatanim nito.

Ako itong medicinal (marijuana)…ginanon ko [shows thumbs down] They’ll give you the excuse to harvest for…sabihin medicinal. Lahat na lang mag-medicinal na. That would be an excuse. Hindi ako pumayag (I did not agree). Not in my time, not in my time,” pahayag ng Pangulo.

“I do not intend to legalize it,” he added. “Ayaw ko. Gawin mo lang excuse ‘yan eh. Tatanim ka ng iyo, sabihin mo medicinal man kaya ito. Kaya ‘yan ang… Sinabi ko na, kinulong ko ‘yan sila,” dagdag ni Duterte.

Ang pahayag ay taliwas sa una nitong posisyon ukol sa paggamit ng medical cannabis.

Sinabi pa ng Malakanyang na pipirmahan ng Pangulo ang anumang panukalang batas na gagawing legal ang marijuana.

Matatandaan na sa mga una nitong pahayag, sinabi ng Pangulo na pabor siya sa marijuana legalization.

TAGS: Drug Users, gagamitin, Marijuana, medical cannabis, medical marijuana, medical use, pabor, Rodrigo Duterte, tutol, Drug Users, gagamitin, Marijuana, medical cannabis, medical marijuana, medical use, pabor, Rodrigo Duterte, tutol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.