Duterte, muling nagbanta na papatayin ang umanoy drug lord na si Peter Lim

By Len Montaño March 08, 2019 - 10:31 PM

Muling binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umanoy drug lord na si Peter Lim na papatayin niya ito.

Sa kanyang talumpati sa kampanya ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Negros Occidental, sinabi ng Pangulo na kapag nakita niya si Lim ay papatayin niya ito.

“Itong Peter Lim na ito, may bahay sa Canada, may bahay sa Bahamas […] may bahay sa Hong Kong. Peter Lim, pag nakita kita maski saan papatayin kita and I will go to jail for you,” ani Duterte.

Sa ngayon ay nagtatago si Lim matapos maglunsad ang Department of Justice (DOJ) ng imbestigasyon laban sa kanya.

Una nang sinabi ng Pangulo na hindi niya alam kung nasa Pilipinas pa rin o nasa ibang bansa na si Lim.

TAGS: binantaan, DOJ, drug lord, Pangulong Rodrigo Duterte, papatayin, PDP Laban, Peter Lim, binantaan, DOJ, drug lord, Pangulong Rodrigo Duterte, papatayin, PDP Laban, Peter Lim

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.