Empleyado ng DFA, sinibak dahil sa umanoy pagbastos sa may kapansanang reporter

By Len Montaño March 08, 2019 - 10:20 PM

Sinibak sa pwesto ang isang consular staff ng Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa umanoy bastos na trato sa isang may kapansanang reporter.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Elmer Cato, ikinalungkot nila ang pagtrato ng DFA employee kay Manila Standard reporter Macon Ramos-Araneta.

Sa kanyang Facebook post ay inilahad ni Araneta ang naranasan niya sa kamay ng empleyado ng DFA sa kabila ng pagkakaroon niya ng polio.

Sinabi ng reporter na hinihingi ng hindi pinangalanang DFA employee ang kanyang original PWD ID bilang patunay na may kapansanan ito.

Ikinatwiran umano ng empleyado ng ahensya na hindi niya kasi nakita na may polio si Araneta dahil nakaupo siya sa kanyang pwesto.

Kasunod ng pagtanggal sa DFA employee ay tiniyak ni Cato na hindi na mauulit ang naturang insidente.

Una nang humingi ng paumahin si Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin at sinabi nito na nais niyang hindi na maulit ang ipinakitang ugali ng empleyado.

TAGS: DFA Asec Elmer Cato, DFA employee, DFA Sec. Teodoro Locsin Jr., Macon Ramos-Araneta, Manila Standard, may kapansanan, Polio, PWD ID, Reporter, sinibak sa pwesto, DFA Asec Elmer Cato, DFA employee, DFA Sec. Teodoro Locsin Jr., Macon Ramos-Araneta, Manila Standard, may kapansanan, Polio, PWD ID, Reporter, sinibak sa pwesto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.