TWG patuloy na pinag-aaralan ang estado ng mga POGO sa bansa

By Dona Dominguez-Cargullo March 08, 2019 - 08:35 PM

Pinag-aaralan na ng buong technical working group (TWG) ang estado ng mga Philippine offshore gaming operations (POGO) sa bansa.

Ito ay kasunod ng panawagan ni Finance Sec. Carlos Dominguez na magsagawa ng crackdown laban sa mga POGO dahil nawawalan aniya ng P3 bilyon kada buwan ang gobyerno dahil sa libu-libong dayuhang empleyado ng mga ito.

Ayon sa pahayag ng PAGCOR, suportado nila ang mga panawagang i-regulate ang mga POGO sa bansa pero dapat aniyang gawin ito ng karampatang ahensya ng gobyerno.

Sa ngayon sinabi ng PAGCOR na patuloy ang diskusyon at inter-agency communication ng TWG na binubuo ng Bureau of Internal Revenue, Department of Labor and Employment, Bureau of Immigration at iba pang law enforcement agencies gaya ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation.

Katuwang din dito ang PAGCOR at nagbibigay ng mga kailangang impormasyon.

Muli namang ipinaliwanag ng PAGCOR na bagaman ang mga gaming operation ay sakop ng PAGCOR, ang ibang bahagi ng operasyon ng mga ito ay hindi na nila hawak.

Gaya na lamang halimbawa ng taxation ng mga lisensyadong POGOs na sakop ng BIR, ang mga usapin naman hinggil sa dayuhang manggagawa ay nasa ilalim na ng DOLE at BI.

Ayon sa PAGCOR, mula 2016, ang POGO operations ay may malaking ambag sa kita ng ahensya na napupunta naman sa mga benepisyaryo ng gobyerno.

TAGS: DOLE at BI, NBI, pagcor, Philippine offshore gaming operations, PNP, POGO, technical working group, twg, DOLE at BI, NBI, pagcor, Philippine offshore gaming operations, PNP, POGO, technical working group, twg

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.