Hinihinalang drug addict at hitman patay sa pamamaril sa Cebu

By Rose Cabrales March 08, 2019 - 08:35 PM

Patay ang isang lalaki na ‘di umano’y drug addict at hitman ng isang grupo matapos itong pagbabarilin sa Barangay San Isidro sa Talisay City sa Cebu, hapon ng Biyernes, March 8.

Nakilala ang nasawi na si Jason Narido na pinagbabaril sa labas ng paaralang pinapasukan ng kanyang anak.

Ayon sa mga awtoridad, tumambay muna sa labas ng paaralan ang biktima para bumili ng pagkain matapos nitong ihatid ang kanyang anak.

May dumating umanong dalawang suspek, sakay ng isang motorsiklo na naka-helmet at nakasuot pa ng bonnet. Inakbayan ng isa sa dalawang suspek ang biktima at dinala sa gilid ng daan kung saan siya
ilang beses pinagbabaril.

Hindi pa natutukoy ng mga otoridad kung sino ang mga salarin. / RC

TAGS: barangay san isidro, cebu, Hinihinalang drug addict, hitman, Jason Narido, patay sa pamamaril, Talisay City, barangay san isidro, cebu, Hinihinalang drug addict, hitman, Jason Narido, patay sa pamamaril, Talisay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.