PNoy mangunguna sa gaganaping Climate Change forum sa Paris
Pangungunahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang dalawampung developing countries sa gaganaping 21st Conference of Parties (COP) may kaugnayan sa Climate Change.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma na taong 2009 pa sinimulan ang pagsasa-ayos ng Climate Change Forum na naglalayong makalikom ng pondo mula sa pribadong sektor para isalba ang problema sa nagbabagong temperatura ng mundo.
Sa pagtaya ng mga eksperto, aabot sa $400Billion sa taong 2030 ang mawawala sa ekonomiya ng mundo dahil sa Climate Change.
Malaki ayon kay Coloma ang magiging papel ng dalawampung mga developing countries tulad ng Pilipinas dahil kinakatawan nito ang halos ay 200 Million ng world population.
Ipinaliwanag ni Climate Change Commission Executive Director Joceline Goco na tatlong minuto lamang ang ibibigay sa bawat isa sa 147 world leaders na dadalo sa forum para maipaliwanag ang kanilang posisyon sa pagsasalba ng mundo sa isyu ng climate change.
Sasamantalahin na rin ng Pangulo ang pagkakataon para manligaw ng mga mamumuhunan sa bansa ayon sa paliwanag ng Malacanang.
Ang COP21 Forum ay gaganapin sa Le Bourget sa Paris France mula November 30 hanggang December 11.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.