LOOK: Malaysian PM Mahathir at MILF chair Ebrahim, nagpulong

By Dona Dominguez-Cargullo March 08, 2019 - 04:52 PM

Nagpulong sina Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad at Moro Islamic Liberation Front chairman Al Haj Murad Ebrahim.

Sa pagbisita sa bansa ni Mahathir kasama sa kaniyang schedule ang pagkikita nila ni Ebrahim na ngayon ay siya ring interim chief minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Makati Shangri-la Hotel.

Ayon kay Ebrahim sa kanilang pulong, nangako si Mahathir na tutulong ang Malaysia sa ikatatagumpay ng layunin para makamit ang kapayapaan sa Mindanao.

Ipinaliwanag din ni Ebrahim sa Malaysian prime minister ang mga prayoridad at pagsubok na kinakaharap ng kanilang hanap ngayong pinamumunuan nila ang BARMM.

Inamin din ni Ebrahim kay Murad na isa sa mga pagsubok ay ang pagbabago ng kanilang hanay mula sa pagiging revolutionary organization bilang katuwang na ng gobyero.

TAGS: Al Haj Murad, mahathir mohamad, Radyo Inquirer, Al Haj Murad, mahathir mohamad, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.