4 na sundalo sugatan sa engkwentro sa NPA sa Quezon

By Dona Dominguez-Cargullo March 08, 2019 - 04:02 PM

Contributed Photo | Josephine Codilla

Sugatan ang apat na sundalo matapos maka-engwentro ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Quezon.

Napigilan ng mga sundalo ang gagawin na naman sanang panununog ng mga rebelde sa heavy equipment sa Barangay Magsaysay, bayan ng Infanta.

Ayon kay Brig. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., commander ng 202nd Infantry Brigade, nangyari ang engkwentro tatlong kilometro lang ang layo sa Northern Builders, ang contractor ng Kaliwa Dam project kung saan nangyari din ang panununog ng NPA noong Feb. 7.

Tumagal ng 30-minuto ang palipatan ng putok.

Agad nailikas ang mga nasugatang sundalo at nadala sa pagamutan.

TAGS: encounter, Infanta Quezon, NPA, encounter, Infanta Quezon, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.