LOOK: International Women’s Day sinabayan ng protesta ng mga babaeng magsasaka

Inquirer Photo / Joan Bondoc
Kasabay ng paggunita ngayong araw sa International Women’s Day nagsagawa ng kilos protesta ang gruop ng mga babaeng magsasaka sa Mendiola, Maynila.

Pinangunahan ng grupong AMIHAN national federation of peasant women ang pagkilos.

Kinondena ng grupo ang pagpapatupad ng rice liberalization na anila ay dagdag pahirap sa mga magsasaka.

Pangunahing apektado anila ang mga magsasaka.

Ayon naman sa grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa Nueva Ecija, bumagsak na sa P14 hanggang P15 na lang ang presyo ng kada kilo ng palay.

Ipinunto rin ng grupo ang anila ay pagkawal ana ng P27 kada kilo na NFA rice sa merkado na kadalasang tinatangkilik ng masa.

Read more...