WATCH: Truck na may kargang butane gas canisters nagliyab sa Dumaguete City

By Isa Avendaño-Umali March 08, 2019 - 03:18 PM

Kuha sa video ang pagliyab ng isang transport truck sa Dumaguete City.

Sa video ni Dave Piramide, kitang-kita ang malakas na apoy na tumutupok sa truck.

Naganap ang insidente sa highway ng Barangay Masaplod sa Dauin, dakong alas-9:30 ng Biyernes ng umaga.

Nabatid na may lamang butane gas canisters ang truck, kaya naging mabilis ang pagliyab nito at nagdulot pa ng ilang beses na pagsabog.

Bahagya namang nagdulot ng sunog ng abala sa daloy ng trapiko sa highway, dahil nagkalat ang mga sumabog na canisters ng butane gas.

Inaalam na ng mga otoridad kung pinagsimulan ng sunog, at magkano ang kabuuang pinsalang idinulot nito.

TAGS: butane canisters, fire, truck, butane canisters, fire, truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.