Tatlong grade 6 students nakaligtas sa tangkang pagdukot sa CamSur

By Dona Dominguez-Cargullo March 08, 2019 - 02:20 PM

Nagawang makaligtas ng tatlong Grade 6 students mula sa tangkang pagdukot umano sa kanila sa bayan ng Iriga sa Camarines Sur.

Sa inisiyal na imbestigasyon, naglalakad lamang umano ang tatlo papasok sa eskwelahan.

Napansin nila ang isang kulay puti na van at hinarang sila ng limang lalaking sakay nito.

Nagawa namang makatakbo ng isa sa mga bata habang ang dalawa ay pilit isinasakay sa van.

Pero nakatakas din sila kalaunan nang masipa at makagat nila sa kamay ang mga suspek.

Dahil sa insidente, pinayuhan ni PO2 Marisol Paloma ng Iriga City police, ang mga bata at kanilang magulang na mag-doble ingat.

TAGS: camarines sur, Iriga City, Kidnapping, Radyo Inquirer, camarines sur, Iriga City, Kidnapping, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.