Drug suspect patay; 5 iba pa arestado sa buy-bust sa Taguig

By Dona Dominguez-Cargullo March 08, 2019 - 01:59 PM

QCPD Photo
Patay ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang manlaban umano sa mga pulis na nagkasa ng buy-bust operation sa Taguig City.

Nadakip naman ang limang iba pang kasama ng suspek sa operasyon sa Barangay South Signal.

Pawang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang nagkasa ng buy-bust operation sa supsek na si Alex Abdul at sa Taguig nagkasundo na magbayaran at mag-abutan.

Pero nang maganap na ang transaksyon ay nagpaputok umano si Abdul dahilan para mauwi sa engkwentro ang operasyon na kaniyang ikinasawi.

Nadakip naman ang 5 iba pa na sina Romeo Santisas, 41; Maria Cristina Barrera, 28; Jenelyn Poja, 31; Mariza Selamor, 30; at Mark Ronnel Padilla, 20.

Nakuha sa mga suspek ang 300 gramo ng shabu na tinatayang mahigit P2 milyon ang halaga, kalibre 45 na baril at isang magazine na may limang bala.

TAGS: QCPD, Radyo Inquirer, South Cignal, taguig, War on drugs, QCPD, Radyo Inquirer, South Cignal, taguig, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.