AFP nagsagawa ng aerial attacks sa pinaniniwalaang kuta ng Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu
Naglunsad ng panibagong opensiba ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pinaniniwalaang kuta ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu.
Ayon kay Joint Task Force Sulu spokesperson Lt. Col. Gerald Monfort, nag-deploy sila ng military assets mula alas 6:40 ng umaga para atakihin ang pinaniniwalaang kuta ng ASG sa bulubunduking bahagi ng Patikul.
Ito ay makaraang makumpirma ng militar ang impormasyon na mayroong 200 terorista sa lugar.
Mayroon ding natanggap na ulat ang AFP na nagpaplano ng panibagong terror attacks sina Radulan Sahiron at Hajan Sawadjaan.
Biyernes ng tanghali sinabi ni Monfort na nagpapatuloy pa ang aerial attacks sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.