3 sugatan sa pagbangga ng isang truck sa bahay sa Iloilo

By Dona Dominguez-Cargullo March 08, 2019 - 01:39 PM

Sugatan ang tatlong katao makaraang bumangga ang sinasakyan nilang truck sa isang bahay sa bayan ng Zarraga, Iloilo.

Naganap ang aksidente Biyernes, March 8 ng madaling araw sa Barangay Ilaya Poblacion.

Sugatan ang driver ng elf truck at dalawa niyang pahinante.

Wala namang nasugatan sa mga nakatira sa binanggang bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, mabilis umano ang andar ng truck at hindi ito agad nakapagpreno.

Galing umano sa Capiz ang truck na may lulang mga talaba at ihahatid sana sa Iloilo City.

TAGS: accident, elf truck, Iloilo, Radyo Inquirer, ZARAGA, accident, elf truck, Iloilo, Radyo Inquirer, ZARAGA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.