Eroplano ng CebuPac na patungong Singapore na-divert sa Brunei dahil sa technical problem

Isang flight ng Cebu Pacific na patungo dapat ng Singapore ang na-divert sa Brunei dahil sa ‘technical problem’.

Sa abiso ng Cebu Pacific, ala 1:45 ng madaling araw ng Biyernes (Mar. 8) nang i-divert ang flight 5J 803 Manila-Singapore sa Bandar Seri Begawan Airport sa Brunei.

Nakaranas umano ng technical problem ang eroplano habang patungo ito ng Singapore.

Dahil dito, inabisuhan na rin ng CebuPac ang publiko na ang return flight na 5J 804 ay mayroon ding delay.

Alas 12:00 ng tanghali nang dumating sa Brunei ang peroplano ng Cebu Pacific na pagsasakyan ng mga apektadong pasahero.

Tiniyak naman ng Cebu Pacific na naasistihan ang lahat ng pasaherong na-stranded ng ilang oras sa Brunei.

Read more...