Hirit na debate ng Otso Diretso sa mga kandidato ng HNP ibinasura ng Comelec
Tinanggihan ng Commission on Elections (Comelec) ang hirit na debate ng opposition senatorial slate na “Otso Diretso” laban sa mga kandidato ng “Hugpong ng Pagbabago” o HNP.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ibinasura ng en banc ng poll body ang hirit ng Otso Diretso dahil sa kakulangan na ng sapat na oras lalo at dalawang buwan na lamang ay mag-eeleksyon na.
Binanggit din ang logistical issues bilang isa sa mga dahilan.
Ayon kay Jimenez, kung pagbibigyan ang hiling ng Otso Diretso, maaring maging isyu ito ng pagbibigay ng pabor sa ilang senatorial candidates.
Noong Feb. 28, 2019 nang isumite ng Otso Diretso sa Comelec ang kahilingan para sa pagsasagawa ng public debate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.