4 na hinihinalang carnapper patay sa engkwentro sa Muntinlupa

By Jan Escosio March 08, 2019 - 08:26 AM

Radyo Inquirer Photo / Richard Garcia

Patay ang apat na hinihinalang carnapper matapos maka-engkwentro ang mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group sa Biazon Road sa Muntinlupa City.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay HPG Director Roberto Fajardo, tatlo sa mga suspek ang dead on the spot habang ang isa ay nasawi sa Ospital ng Muntinlupa.

Radyo Inquirer Photo: Richard Garcia

Ayon kay Fajardo, isang driver ng van ang muntik na mabiktima ng mga suspek kagabi matapos na itabi muna sa isang bahagi ng kalsada sa Fort Bonifacio sa Taguig ang kaniyang sasakyan para umihi.

Habang umiihi, tinutukan siya ng baril ng mga suspek at saka kinuha ang kaniyang susi, gayunman bigo ang mga suspek na matangay ang kaniyang commuter van dahil may nakita silang pulis na nagpapatrulya sa lugar.

Dahil nakita ng biktima ang sasakyan na gamit ng mga suspek ay agad niya itong inireport sa mga pulis at doon na nagkasa ng operasyon ang mga tauhan ng HPG Task Force Limbas.

Sa bahagi ng Biazon Road sa Muntinlupa naabutan ang mga suspek na agad nagpaputok nang makita ang mga otoridad dahilan para mauwi sa engkwentro ang operasyon.

 

TAGS: Muntinlupa, Radyo Inquirer, shootout, suspected carnappers, Muntinlupa, Radyo Inquirer, shootout, suspected carnappers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.