Bulkang Mayon nagbuga ng abo ngayong umaga; Alert level 2 nananatiling nakataas
Nakapagtala ng pagbubuga ng abo sa Bulkang Mayon ngayong umaga.
Ayon sa Phivolcs, alas 6:27 ng umaga ng Biyernes, March 8 nang maitala ang phreatic eruption sa bulkan.
Umabot sa 300 meters ang taas ng kulay gray na abo na ibinuga ng bulkan.
Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala din ng anim na volcanic earthquakes at dalawang rockfall events sa Mt. Mayon.
Kahapon, alas 8:11 ng umaga ay nakapagtala din ng phreatic eruption events sa bulkan.
Nananatiling nakataas ang alert level 2 sa bulkan at bawal ang pumasok sa 7-kilometer extended danger zone nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.