Facebook tututukan ang pages at sites na nagpapakalat ng maling impormasyon kontra bakuna
Tatargetin ng Facebook ang mga page at websites na nagpapakalat ng maling impormasyon kontra bakuna.
Inihayag ng kumpanya na hindi isasama sa recommendations at predictions sa search engine ng Facebook ang nasabing mga sites na pawang “anti-vaxers”.
Sinabi ni Monika Bickert, vice president for global policy ng Facebook, ang mga ads naman na nagpapahayag ng maling impormasyon sa bakuna ay ire-reject din nila.
Kasabay nito sinabi ng Facebook na pinag-aaralan na rin nila kung paano sila makatutulong sa pagbahagi ng education information tungkol sa bakuna.
Sa mga susunod na linggo ay asahan umano ang paglulunsad nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.