Pinay at dalawang anak natagpuang patay sa California

By Mary Rose Cabrales March 08, 2019 - 06:49 AM

Natagpuang patay ang isang Pinay at dalawa nitong anak sa loob ng kanilang apartment sa San Jose, California. Ang kaso ay tinawag ng mga otoridad doon na “double murder – suicide”.

Ayon sa imbestigasyon, nadiskubre ng ama ng tahanan ang insidente at kaagad na humingi ng tulong.

Pinaniniwalaang nilason ng ina ang kanyang dalawang anak na mga lalaki na apat na taon at pitong
taong gulang at saka siya nagbigti.

Ayon sa mga kapitbahay, masayahing ina naman umano ang babae pero pinaniniwalaang depressed ito matapos mawalan ng trabaho noong nakaraang taon na posibleng dahilan ng insidente.

Hindi pa inilalabas ang pangalan ng ng mga nasawi.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

Sa mga nakakaranas ng depresyon ang Pilipinas ay may 24/7 HOPE Line, maaari silang tumawag sa 804-4673 o 0917-558-4673.

TAGS: 2 children, double murder, filipino, san jose california, suicide, 2 children, double murder, filipino, san jose california, suicide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.