30 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Caloocan; anggulong arson, iniimbestigahan ng mga otoridad
Natupok ang isang residential area sa bahagi ng Brgy. 181, Caloocan City kaninang (Mar. 8) madaling araw.
Ayon kay Fire Supt. Stephen Reguilla ng Bureau of Fire Protection sa Caloocan, ala 1:40 ng madaling araw nang iulat sa kanila ang sunog.
Agad naman itong naapula makalipas ang isang oras.
Sinabi ni Reguilla na may natagpuan silang plastik sa lugar na may mga lamang damit na ibinabad sa gaas at may nakita ring mga bote ng gasolina.
Dahil dito, posible umanong sinadya ang sunog.
Ilang residente naman sa lugar ang nagsabing may nakita silang isang grupo na nagsabit ng nasabing mga damit sa bahay at motorcycle shop na pinagmula ng apoy.
Tinatayang aabot sa 30 pamilya ang naapektuhan ng sunog at nasa kalahating milyon piso ang halaga ng mga natupok na ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.