Eastern Samar dalawang beses niyanig ng malakas na lindol

By Mary Rose Cabrales March 08, 2019 - 06:32 AM

Nakaranas ng dalawang magkasunod na pagyanig sa Eastern Samar, Biyernes (Mar. 8) ng madaling araw.

Unang naitala ang magnitude 4.2 na lindol sa 17 kilometers Southeast ng bayan ng Guiuan sa lalawigan ng Eastern Samar, 2:10 umaga at may lalim na 26 kilometers.

Naitala ang instrumental intensity I sa Borongan City sa nasabing pagyanig.

Samantala, naitala naman ang magnitude 3.7 na lindol sa 96 kilometers Northeast ng bayan ng Hernani sa lalawigan pa rin ng Eastern Samar, 3:57 ng umaga at may lalim na 13 kilometers.

Tectonic ang origin at wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks sa dalawang pagyanig.

TAGS: earthquake, eastern samar, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, earthquake, eastern samar, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.